Muling pagtatagpuin ng tadhana ang pag-ibig na minsan nang nakaukit sa puso ng bawat-isa. Lumipas man ang panahon ay ibabalik ng tadhana ang pag-ibig na naudlot sa nakaraan. Nakalimutan na ba ni Isla ang lalaking minsan na niyang minahal noon? O kailangan lang niyang alalahanin ang nakaraan upang maibalik ang dating pagmamahal na nararamdaman na niya ngayon? Nawala na ba ang pag-ibig na nararamdaman ni Uno? O hinihintay lang ng puso niya ang taong pinangakuang mamahalin hanggang sa dulo?