Reclaiming the Throne [GxG]
28 parts Ongoing MatureAng mundo kung saan ay may iisang propesiya, ang mundo kung saan matatagpuan ang mga makakapangyarihan, at ang mundo kung saan ang karapat-dapat lamang ang mamuno, ang mundo ng Alnimcorlemenqua. Limang kaharian na naghahati sa iisang kapangyarihan. Na ang tanging nagbubuklod ay ang apat na makapangyarihang mga elemento.
Ang kapangyarihan ng walang hanggang mahika na matatagpuan sa Hilaga. Ang kaharian ng Elementis na pinamumunuan ng mga diwata at engkantado. Ang elementong labis ang galit at ang elementong nagbibigay enerhiya sa limang kaharian na kasapi ng Elementis.
Ang elemento ng apoy na matatagpuan sa Silangang bahagi, na pinangangalagaan ng kaharian ng Alvenia. Sa dakong Timog naman, ang elemento kung saan ang pagpapahalaga ay labis na kailangan na nagpapanatili ng lupang patag para sa makapangyarihang mundo, ang elemento ng lupa. Ito ay pinangangalagaan ng kaharian ng Animia, ang kaharian kung saan din naninirahan ang mga sinaunang mga hayop na nagtataguyod ng mga armas para sa mga kaharian.
Sa dakong Kanluran naman, ang elemento na kung magalit ay walang sinasanto ni ano man, ang kasapi ng isa sa pinakamakapangyarihang elemento sa lahat. Ang elemento ng tubig na pinangangalagaan ng kaharian ng Regnum Aqua. Sa gitna naman ng Alnimcorlemenqua, ay matatagpuan ang pinakamakapangyarihang elemento at kaharian sa lahat.
Ang kaharian ng Cordelia na pinangangalagaan ang kapangyarihan ng elemento ng hangin. Ang elementong kapag nagalit din ay walang ligtas ni ano man. Naririto rin sa kahariang ito ang mga mapapalad na nabibiyayaan ng dalawa o higit pang mga kapangyarihan.
Ngunit masunod kaya ang propesiya kung ito ay hindi na talaga susundin dahil sa isang pagkakamali? Nagbunga ang galit at ito'y mahihigitan ng karapat-dapat. Manatili pa kaya ang kapayapaan?
Warning: Mature content ahead. Read at your own risk.