Story cover for Ang Awit ng Buwan by ADLigaya
Ang Awit ng Buwan
  • WpView
    Reads 74
  • WpVote
    Votes 0
  • WpPart
    Parts 9
  • WpView
    Reads 74
  • WpVote
    Votes 0
  • WpPart
    Parts 9
Ongoing, First published Jan 08, 2023
"Isa kang hangal sa pagpapakaakit sa awit ng buwan!" 

Isang kilalang mang-aawit sa simbahan si Lorieta Ignacia Amansala o Rita. Siya ay mayumi, dalisay, at tila anghel kung umasta. Puring-puri siya ng lahat dahil taglay niya ang tamang pag-uugali ng isang Filipina. 

Subalit ang mga papuri at halik ay napalitan ng mga sumpa at sampal. Nang malaman ng publiko ang pakikiapid ni Rita sa may-asawang si Fernando Luiz, pinatalsik siya sa simbahan. Tuwing siya ay lalabas, napaliligiran siya ng mga masasamang tingin at mga nanunuyang halakhak. 

Sa kadahilanang wala na siyang tahanang matutuluyan, pumayag si Rita sa alok ni Fernando Luiz na tumira muna sa mansyon nito. Tutal ay wala namang pag-asang bumalik pa ang esposa nito, inisip niyang walang problema. Mula noon, namuhay ang dalawa nang tulad sa mag-asawa. 

Maayos na sana ang lahat hanggang sa bumalik ang asawa ni Fernando Luiz, si Lucianna. 

Maipaglalaban kaya ni Rita ang pag-ibig niya kay Fernando Luiz? 

"Kung kasalanan mang ibigin ka, handa akong magdusa't maghignagpis sa impierno makasama ka lamang."
All Rights Reserved
Sign up to add Ang Awit ng Buwan to your library and receive updates
or
#189historical
Content Guidelines
You may also like
Mga Bulaklak ng Quiapo: Magnolia by MarshaMiguel_PHR
13 parts Complete
Malakas ang paniniwala ni Lia na kapos man siya sa buhay ay biniyayaan naman siya ng Quiapo Church ng umuusbong na career. Tarot cards. Crystal ball. Numerology. Astrology. Palm reading. Face reading. Lahat ng klaseng panghuhula ay kaya niyang gawin. Pinipwesto niya sa gilid ng simbahan ang dalang payong, silya, at tablang nagta-transform into instant mesa. Doon niya hinihintay ang kaniyang susunod na mabobola - este magagabayan tungo sa magandang kapalaran. Buhay na buhay ang Plaza Miranda. Ang mga snatchers, mapagmatyag. Ang mga dumadaan ay alisto. Ang mga sidewalk vendors ay humahapit. Hyper ang mga tao sa paligid, kaya naman spotted agad ni Lia kung sino ang lalapitan para alukin ng kaniyang serbisyo... ang mga tulad ni Macoy. Lumabas si Macoy mula sa simbahan na lugmok sa kawalan ng pagasa. 'Natutulog ba ang Diyos? Wala ba talagang forever?' Yan ang tema ng dasal ng binata sa Poong Nazareno. Hindi siya deboto. Nanghihingi lang ng saklolo. Lia and her tarot cards came to the rescue. Ramdam niya ang good vibes na dala ni Macoy. Kumikitang kabuhayan ang bawat prediction niya sa rich kid na buwenas namang nagkakatotoo. To the highest level din ang namumuong romantic energy na nakikita niya sa aura ng binata. Ayun lang. Kung minsan, lumalabo ring kausap ang kaniyang bolang kristal. Hindi naman pala kay Lia nakatuon ang energy, kundi sa exgf nito at first love na si Jackie. Kaya tuwing titingin ang dalaga sa mga stars, hindi niya maiwasan ang mainis. Bakit ba kasi hindi tugma ang mga zodiac signs nila? Haayy, ang dapat sa kaniya, mag-move on. Pero walang balak si Lia na gawin iyon. Para saan pa? Huli na. Mahal na niya ang mokong, kahit nuknukan ito ng manhid. Kaya sa ngalang ng pag-ibig, harangan man ng swerte, susugal na siya. Makikipagbunong-braso si Lia sa tadhana ni Macoy.
When I Fell In Love With My BestFriend (Moment of Truth) by Ibrielle
29 parts Complete
Mahigit isang taon ang mabilis na lumipas. Naroon uli si Cherra sa lugar na iyon, kung saan sya unang lumuha at nasaktan. Naroon sya sa eksaktong lugar kung saan una nyang nakitang hinalikan ni Rod si Mendy. Kahit hanggang ngayon ay parang ganoon pa rin ang nararamdaman nyang kirot nang maalala ang tagpong iyon. Kasalukuyan syang nakatayo malapit sa baybayin ng resort na iyon habang nakatanaw sa dagat, hinahayaang malayang liparin nang hangin ang kanyang hanggang beywang na buhok. Malungkot na binabaliktanaw ang nakaraan. “Cherra..” mahinang pagtawag ng boses na iyon ng pangalan nya. Ang boses na iyon, na kay tagal nyang inasam na marinig. Na lagi ay dinadalangin nyang dumating ang araw na muli itong mapapakinggan, at makita ang nagmamay-ari nitong kay tagal na niyang inaasam na masilayan. Animo isa itong musika sa kanyang pandinig na tumunaw ng kanyang nararadamang kalungkutan, at bagkus ay pinuno nito ang kanyang puso ng kaligayahan. “Rod..” mahinang usal nya sa pangalan nito, nang dahan-dahan nyang lingunin ito. Nakita nyang nakangiti ito at nakatitig habang unti-unti itong lumalapit sa kanya. Tila nananaginip sya ng mga sandaling iyon. Panaginip na dinadalangin nyang huwag sanang mawala, sa oras na magising sya. Panaginip na lagi nyang dinarasal na sana ay pagbigyan ng Maykapal ng katuparan. Ito na ba katuparan na iyon? Ngayon na ba ang panahon kung saan pwede na nilang bigyan daan ang kanilang mga nararamdaman? Pero paano ang kasintahan nitong si Mendy? At paano ang nobyo nyang si Gustav? Papaano nila haharapin ang mga ito? (UNEDITED)
You may also like
Slide 1 of 9
Love Knows No Universe - Season 1 cover
A Sin (COMPLETE) cover
Obsession 1, Owning Her (Complete) Under Editing cover
Mga Bulaklak ng Quiapo: Magnolia cover
When I Fell In Love With My BestFriend (Moment of Truth) cover
SEDUCING MR. ARROGANT By: Reinrose (B3: LET THE LOVE BEGIN) (complete) cover
Love On Air 3: Foolish Heart (Completed: Published by PHR, 2015) cover
LA Pescadora cover
MY DESTINY cover

Love Knows No Universe - Season 1

40 parts Complete

Fourty years old na si Jasmine Filones pero hanggang ngayon ay single pa rin siya. "Lord, asan na ba kasi ang ONE TRUE LOVE ko?" ang madalas niyang daing sa Maykapal. Isang araw, isang misteryosong matandang lalaki ang nagpakita sa kanya at sinabihan siyang alam daw nito kung nasaan ang lalaking nakatadhana para sa kanya. Gayundin kung papaano magtatagpo ang kanilang landas. "Wee! Sige nga po papaano?" di naniniwalang tanong niya. Ngumiti ng makahulugan ang matanda. "Kailangan mong mamatay." Siyempre pa'y hindi siya naniwala sa kabaliwang tinuran nito. Ngunit limang araw ang makalipas, nagpakitang muli ang misteryosong matanda sa kanya. At sa pagkakataong iyon, nasa bingit siya ng kamatayan. "Ang mabuhay sa mundong ito nang mag-isa o ang mamatay at maglakbay sa ibang mundo upang makasama ang lalaking nakatadhana para sa iyo? Mamili ka ngayon din Ms. Filones," anang matanda na talaga namang nagpawindang sa kanya.