Nagtago si Reian sa isang isla sa Romblon para hindi matuloy ang nakatakdang pag-iisang dibdib nila ng kinaiinisan niyang kababata.Sa kanyang pagtatago ay hindi niya inaasahang doon niya matatagpuan ang lalaking ninanais niyang iuwi bilang mamanugangin ng mga magulang. Ang problema nga lang, mukhang malaki ang galit nito sa mundo dahil hindi mawala wala ang kunot nito sa noo. Pero ipinangako niya sa sariling papawiin niya ang anuman problema mayroon ito. At gagawin niya ang lahat para lang sumaya ito kesehodang kantahan niya ito ng 'twinkle, twinkle, little stars...'