Simula't sapol palang sana, sana alam ko na na ganito pala kahirap ang magmahal na hindi mo alam kung totoo ba o hindi ang binigyan mo ng panahon, oras at atensyon. Sa ngayon, hindi ko na alam kung ano ang totoo sa hindi. Nakilala ko ang babaeng naging dahilan kung bakit nagbago ang pananaw ko sa bagay na tinatawag nilang pag-ibig, noong panahong akala ko ay katapusan na ng mundo, mga panahong ayoko nang imulat pa ang mga matang pagod na sa pagsubok sa buhay, ito yung panahong lagi kung sinasabi sa kanila na dibale na, mamamatay naman tayo lahat eh. Siya si josephine, ang babaeng nakapagpabago sa aking pananaw sa aspeto ng buhay, ang nagbigay sa akin ng lakas para ituloy ang kamuntikan nang maputol na kwento sa aking libro ng buhay. Subalit nang unti-unti ko na siyang nakilala, saka ko lang nakita at napagtantong, 'hindi pala lahat ng ating nakikita, nahahawakan, naririnig at nararamdaman ay totoo, sapagkat ang josephine na kilala ko't halos mahalin ko na nang lubos ay matagal na palang wala sa mundong ginagalawan ng mga may buhay, in short, mukhang umigbig pa ako sa babaeng patay na? nagtatanong pa noh. Ano ba talaga ang totoo sa hindi? This is not your typical love story, or should I say this is really not a love story. Ang kwentong ito ay gawa-gawa lamang ng isang nilalang na may pinakamaruming utak sa balat ng sansinukob. Ang mga bagay, pangalan, lugar at pangyayari ay gawa lamang ng inyong lingkod na wala pang krimen, suspek na, nawa'y basahin ito nang may pag-iingat at maging mapagmatyag baka paglingon mo, iba na ang nasa iyong tabi, bwahahahaha. Read at your own risk.
12 parts