May mga bagay na gusto nating e-try dahil sa "Curiosity". Mga bagay na nakikita natin sa ating mga kaibigan na nag-eenjoy sila kapag nagagawa nila. Yung tipong nagtatanong tayo kung ano ang pakiramdam kung sa atin nangyayari iyon. Yung pinipilit natin ang sarili natin para hindi mahuli sa barkada. Dapat ba talagang ipag-pilitan ang mga bagay na hindi ka pa handang gawin. O hahayaan natin na ma-experience natin ito na walang sapilitang nagaganap . Yung dahan-dahan natin syang natututunan at na-eenjoy.