DARK THANATOS REIGO ARCHEVISTE-ROMANOV ang lalaking pinag-pala sa lahat. Isinilang ng may napaka-gandang pisikal na anyo at ka suerte-han sa buhay. Ang lahat ay nasa kaniya na. Ngunit biglang nagbago ang takbo ng kaniyang buhay ng may bigla na lamang isang araw ay may nag-iwan ng limang sanggol na kapa-panganak pa lamang sa labas ng kaniya'ng bahay. Labas ang ka guluhan ang kaniyang naramdaman ng araw na 'yon, para siyang sinasakal nang makita ang kalagayan ng mga sangol. Paano kung naisipan niyang hindi lumabas ng araw na 'yon? Ano na lamang ang mangyayari sa kanila? Iisipin niya pa lamang na may mangyaring masama ay sumasakit na ang dibdib niya. Palagay niya ay hindi niya mapapatawad ang sarili kung sakaling huli na nang matagpuan niya ang mga sangol. Parang lumukso ang kaniyang dugo nang makita niya ang mga itsura ng mga ito. Hindi niya ma-ipaliwanang ang kaniyang naramdaman nang sabay-sabay na mag mulat ang mga mata nito't tumitig sa kaniya. Kamukha'ng kamukha niya ang mga bata lalo na ang kulay berdeng mga mata nito. Sino ang nag iwan ng mga sangol na ito? Bakit sa kaniya iniwan? Siya ba ang ama ng mga sangol na ito? Ngunit hindi na kailangan pa ng paternity test dahil sa itsura pa lamang ng mga bata ay Archiveste-Romanov na ang nana-nalaytay na dugo sa kanila. Sa isang iglap ay bigla na lamang siya'ng naging single dad. Sa paglipas ng mga oras, araw, buwan, taon, maraming sekreto ang ma-bu-bunyag, at may mga sekreto'ng dapat manatiling sekreto. Ngunit paano kung ang dating tahimik na buhay ng mag-aama ay bigla na lamang mag bago nang makilala siya? Ang guro ng mga bata? Sa pagtatagpo ay maraming mabubunyag. Ano nga ba ang magiging papel ni Polaris sa buhay ng mag aama? At ano ang mararamdaman niya kung malaman ang tunay niyang pagkatao?All Rights Reserved