"I'll remember to love, you taught me how.", 'yan ang linyang tumatak sa isip ni Jessica noong mabasa niya ang ang lyrics ng kantang "First Love" ni Utada Hikaru. Walong taon na ang nakalilipas noong makagraduate si Jessica ng Senior High School at dalawang taon matapos 'yon ay ang huling beses na nakita niya si Rafael. Ang kanyang first love. Anim na taon na mula noong gabing 'yon at ang huling balita niya'y magkakaanak na ito sa girlfriend na si Lovi. Ngunit kahit anong bilang ng taong magdaa'y ni minsan ay hindi nawaglit sa isip ni Jessica kung nasaan na ito. Walang balita. Parang bulang naglaho. Walong taon sa kasalukuyan ay nasa isang ekslusibong isla katabi ng La Union si Jessica upang magtago; Isang buwan matapos ang kanyang biglaang pakikipaghiwalay sa kanyang fiance, si Josh. Ang kanyang pagtatago sa Isla Mondragon ang naging daan upang muling mabuhay ang mga alaalang kay tagal na niyang binaon sa limot pati na ang pag-ibig na inalagaan sa puso at ang unang pagkawasak nito sa lalaking una niyang minahal at mamahalin magpakailanman.