"Espren, may sasabihin ako sa'yo."
"Ano yun espren?"
"Naalala mo nung bibigyan sana kita ng chocolates?"
"Ah nung naiinis ako sa mundo. Tapos gusto mo akong pasayahin? Haha. Naalala ko na."
"Yung chocolates kasi. Nasa bahay pa. Tapos ano..."
Tumingin ako sa kanya habang nakahiga kami sa damuhan, malungkot ang muka niya habang pinagmamasdan ang mga bituin sa kalangitan. Naghintay ako ng sagot, pinilit niya lang ngumiti noon dahil nahuli niya akong nakatingin sa kanya.
"Alam mo sabi nila kapag ang chocolates daw pinatagal mong kainin, nagiging mapait. Nawawala yung sweetness."
Tumahimik lang ako. Alam ko na kung ano ang ibig niyang sabihin, pero hindi ko na lang iyon pinansin. Alam ko na naman sa mga oras na 'yon na mabigat na naman ang pakiramdam nya.
"Naalala mo noong may sakit ka? Pilit kang pinapainom ng gamot ni tita? Sabi mo ayaw mong inumin yung gamot kasi mapait." Sabi ko sa kanya.
"Pero alam mo, minsan kung ano pa yung pinakamapait na gamot, 'yon pa yung pinakamabisa." Tumingin ako sa langit, hindi ko alam kung maiintindihan niya din ang gusto kong sabihin. Mahirap tanggapin para sa kanya. Pero mas mahirap na tanggapin para saakin na nasasaktan ko siya.
Tumawa na lang siya na parang isang baliw. Umupo siya at tumalikod saakin...tumatawa siya ng walang tigil, pero...alam ko sa pagkakataong iyon na lumuluha na naman siya.
cover credits: Kristoffer Ian Dacoycoy Belen