32 parts Ongoing Maria Leonora Hartinez - isang simpleng dalaga mula sa kasalukuyan. Isang gabi, habang nagbabasa siya ng isang lumang nobela, bigla siyang nahulog sa mundong hindi kanya. Sa halip na papel at tinta, siya mismo ang naging bida sa kwento.
Sa katauhan ng Maria Leonora de la Cruz, anak ng principalia noong panahon ng EspaΓ±ol, unti-unti niyang natuklasan ang lihim ng librong nagdala sa kanya rito: siya ang susi sa kapalaran ng isang lalaking nakatadhana sa trahedya.
Cristiano Javalino - makisig, matalino, at lihim na kasapi ng isang kilusang rebolusyonaryo. Sa kanyang mga mata, nakikita ni Leonora ang pag-ibig na hinahanap niya. Ngunit sa kanyang kwento, nakasulat ang kamatayan.
Handa ba si Leonora na baguhin ang tinta ng kasaysayan? O mauuwi pa rin sa trahedya ang pag-ibig na kahit sa panibagong buhay ay hindi maitatanggi?
---
π₯ Isang historical-inspired reincarnation romance na puno ng lihim, sakripisyo, at pagmamahalan sa gitna ng panganib. Dahil minsan, ang pinakamalaking laban ay hindi lamang para sa bayan... kundi para sa pag-ibig na ipinanganak muli.