I always thought that when I meet my Prince Charming, we will live happily ever after. Hindi pala lahat ng pinaniwalaan mo noong bata ka ay totoo na. You will know that all that you believed in are all lies in the real world. Prince Charming will come in different forms. Hindi na siya yung katulad ng dati na guwapo, mabait, at naniniwala sa chivalry. May mga kamukha ni Shrek pero si Prince Charming pala. Meron ding mukhang Prince Charming pero isa pala sa mga villain. Ang tagal kong naghintay, nagbakasali, nasaktan. Kaya ngayon, hindi na ako naniniwala sa romance at sa happily ever after. Because I have a strong feeling that my Prince Charming is long dead. Extinct na ang lahat ng mga lalaking katulad ni Prince Charming. Kung may reincarnation man, naiwan na sila sa lumang panahon at ang natira na lang ay ang mga mutation ng villain na nag anyong Prince Charming. All rights reserved. Walang bahagi ng istoryang ito ay maaaring muling ginawa, ibinahagi , o ipinadala sa anumang anyo o sa anumang paraan nang walang paunang nakasulat na pahintulot ng manunulat. Copyright © 02192015 by Bjai Abucay
4 parts