Matangos ang ilong, mapupungay na mga mata, mapulang labi. Isang babaeng may maamong mukha, makinis, at balingkinitang pangangatawan. 'Yan si Dianne.
"Dianne, will you be my girlfriend?"
Napalingon ito sa makisig na lalaking ngayo'y may mga matang napupuno ng pag-asa. May hawak itong bulaklak na agad namang tinanggap ng dalaga.
"Jake..." Nakangiting sabi ni Dianne.
"Ano Dianne? Payag ka ba?" Kabadong tugon ni Jake.
"Oo Jake!" Matamis na sagot ng dalaga.
"Yes!!! Dianne, mahal na mahal kita!" sigaw naman ng binata sabay yakap nito kay Dianne.
Naghiyawan ang mga kaibigan at mga estudyanteng nakapalibot sa dalawa, tuwang-tuwa sa eksenang nasisilayan. May iilan rin ang nakasimangot dahil harang sila sa daan.
Isa na 'ko don...
Kung tatanungin mo ang iba, sasabihin nila sa'yo na may purpose ka sa mundong ito... Pero ang tanong ko, ano kaya 'yung akin? Yung iba kita mo naman nahanap na... ako kaya? When will I?
"Hindi ko na kailangan pang makita ka para masabi kong maganda ka. Dahil sa boses mo pa lang alam kong mabuti kang tao. Dahil sa boses mo.. unang nahulog ang puso ko."
Sarah Joy was getting bored as a night shift nurse. Kahit na ang ospital pang pinagtatrabahuhan niya ang isa sa pinakamalaking ospital sa Asia. Hindi rin biro ang sahod doon. Sa totoo nga marami ang gustong makapasok sa naturang ospital pero pili lang ang nakakapasok na manggagawa doon.
"Sarah Joy, pinagkakatiwala ko sa iyo si Brett. Matalik na kaibigan ko yan. Pakialagaan siyang mabuti." pakiusap ng boss niyang si Dr. Fidel.
Nagulat siya nang makita ang isang gwapong lalaking nakaratay sa hospital bed. Ayon sa boss niya ay kasalukuyan itong comatose dahil sa aksidenteng pag-crash ng sinasakyan nitong helicopter.
Habang dumaraan ang mga araw ay narealize niyang nahuhulog na pala ang loob niya rito. Hanggang sa isang araw, dumating ang sarili niyang bangungot.. sa katauhan ng isang babaeng nag-claim na fiancée nito..