"Nangangako ako, aalagaan kita habang buhay" bigkas ni Claro kay Kristine. Napatawa si Kristine kay Claro "Wag kang magpatawa Claro, alam mo naman ang sitwasyon ko diba?" Ang pagmamahal ko kay Kristine ay hindi mawawala. Ibibigay ko ang lahat para lang makasama siya habang buhay. Pangako iyan, mamahalin ko siya magpakailanman.