Story cover for NANG MULING KUMAGAT ANG LAGIM (Apo Ng Manggagamot Book Series) by June_Thirteen
NANG MULING KUMAGAT ANG LAGIM (Apo Ng Manggagamot Book Series)
  • WpView
    Reads 9,620
  • WpVote
    Votes 551
  • WpPart
    Parts 16
  • WpView
    Reads 9,620
  • WpVote
    Votes 551
  • WpPart
    Parts 16
Ongoing, First published Jan 15, 2023
Mature
Dalawang dekada... Halos dalawang dekada na rin ang nakalipas mula nang balutin ng kilabot ang buong lugar ng BARYO TIKTIKAN. Inakala na hindi na muli dadatnan ng takot ang lahat dahil sa matagal na ring pananahimik. Hanggang sa kakalat ang balita tungkol sa isang lalakeng nawawala na ikagigimbal ng lahat ang matutuklasan. Doo'y mababahala dahil sa muling bubulabugin ng mga nilalang na hindi nila inakalang nabubuhay pala. At sa huli'y malalaman nila na mas malaking suliranin ang parating kaysa sa nauna.

Muli nating balikan ang lugar kung saan natin nakilala ang APO NG MANGGAGAMOT na siyang naging takbuhan ng lahat. Kasama ang kanyang mga ampon na sina Abel, Elena at Sonia, kanyang kabiyak na si Carlito at nag-iisang anak na si Luisa at ngayo'y ang apo na tinawag nilang Betina.

Sa pagkakataong ito ay makayanan kaya nilang muling ibalik ang katahimikan sa mahal na baryo? Sino ang darating ngayon para maging saklolo at ano ang kayang gawin ng batang bagong miyembro ng kanilang pamilya? Sa huli, kaninong pag-iibigan ang uusbong? Ano ang nakatakdang mangyayari? (dami tanong charr!)

NANG MULING KUMAGAT ANG LAGIM

All rights reserved. Any part of this story can't be copied without the author's permission.
All Rights Reserved
Sign up to add NANG MULING KUMAGAT ANG LAGIM (Apo Ng Manggagamot Book Series) to your library and receive updates
or
Content Guidelines
You may also like
Abandoned Life by _Rannie_
6 parts Complete
-COMPLETED- Huwebes, eksaktong alas otso ng gabi. Ang natatanging sandaling magkasama ang pamilya Carmona. Madalas ay abala ang mga ito sa kanya-kanyang ginagawa, kaya hindi maipapagkakailang nakakalimutan ang isa't-isa kahit nakatira lang naman sa iisang tahanan. Sa gitna ng kasiyahan, biruan, maging kwentuhan, eksaktong pumasok ang gulo. Sinira hindi lang ang kanilang ari-arian, pati ang buhay ng iilan sa kasamahan ni Beatrize, ang pangatlo sa anak ng mag-asawang Carmona. Bakit? Bakit kailangang paslangin ang mga taong mahalaga sa kanya? Huli na para tumakas ang dalaga, dinakip siya ng isang lalaking nakakapagtatakang pamilyar sa kanya, kahit pa man may takip ang mukha. May kakaiba sa mga mata nito, tila ba minsan nang nakasalamuha. Sino siya? Sinubukan ng dalagang manlaban, para sa sariling buhay at hustisya na maaaring maibigay pa sa mga nasawing miyembro ng pamilya. Ngunit hindi inasahang mawalan ng kontrol ang sasakyang minamanyobra ng kriminal. Pasuray-suray, sumuong sa ibang direksyon, hanggang mabangga. Isang abandonadong mansyon ang kanilang nabungaran. Bagay na hindi inaasahang nakatayo pala sa naturang lugar. Hindi siya maaaring magkamali, ito ang abandonadong mansyon na madalas mapanaginipan. Ano ang ang meron sa lugar? Kalaunan ay napagtanto ng dalaga na ang bawat nangyayari ay hindi nagkataon, sinadya talaga upang buksan ang isang katotohanan. May kwento siyang dapat malaman. Bagay na kung tutuusin ay dapat patay na ngayon, pinaglumaan na ng panahon. Nararapat lang kalimutan. Ngunit dahil sa matinding damdamin, kagustuhan at pangungulila, ngayon ay muling mamamayagpag. Pinapalibutan ng misteryo ng buong lugar. Misteryong siya ang hinihintay na lumutas.
You may also like
Slide 1 of 9
Si Prinsesa Magda cover
BEDTIME STORIES Vol. 1 (Ang Koleksyon ng mga Maiksing Kuwentong Katatakutan) cover
Way Back Since 1892 cover
Ang Baranggay Maligaya cover
Si Elena( Ang Ikatlong Yugto Ng Buhay Ni Andrea ) cover
Paslit (Apo Ng Manggagamot Book Series) cover
Aubrey: The Stripper (Dark Series Book 5)  cover
El Pacto Del Diablo (The Devil's Pact) cover
Abandoned Life cover

Si Prinsesa Magda

24 parts Complete Mature

Walang kasing bait. Ngunit wala ring kasing bagsik. Hindi inakala ni Magda na magbabago ang takbo ng kanyang pamumuno ng dahil lamang sa isang taong hindi niya naman kadugo. Dahil sa isang pangakong binitiwan ay malalagay sa panganib ang kanyang buong nasasakupan, mailigtas lamang ang pamilya ni Kadyo, ang kanyang kinikilalang kapatid na minsan nang pinagtangkaang burahin ng kanilang ibang kalahi. Magawa niya kaya silang maprotektahan hanggang sa huli? Kasama na ang kanyang sariling buhay? Isang istorya ng dalawang magkaibang nilalang at ng pangakong binitiwan. Isang maigsing kuwentong kathang-isip lamang. Ang alin man pong nakakahawigan ng sa inyo ay hindi sinasadya, marahil ay pareho lang po tayo nang naisip. June_Thirteen's "Si Prinsesa Magda" All rights reserved. Any part of this story can't be copied without the author's permission.