28 parts Ongoing Sa kalagitnaan ng pamamayagpag ng dakilang Shiloh ay muling mabubuhay ang isang matandang propesiya. Maririnig ang huling babala ng kalangitan - ngunit wala ni isa ang tumugon. Kaya't ang pagbagsak at paghihirap na hatol ng tadhana ay tuluyan ngang magaganap.
Si Abrielle Aragon, o mas kilala bilang Hime, ay anak ng isang dakilang heneral.
Walang alam sa karahasan o digmaan;
pinalaki sa layaw, kayamanan, at sa pilosopiya ng sariling mundo.
Bata pa lamang, itinakda na siyang sumunod sa trono ng Shiloh - ang magiging reyna ng isang bansang tinitingala ng marami.
Ngunit sa isang iglap, guguho ang lahat.
Ang pagpasok ng mga mananakop na magpapaikot sa politika at kalakalan ng Shiloh - ang tuluyang magpapabagsak sa trono.
Babagsak ang mga haligi ng pamahalaan,
ang relihiyon ay magiging sandata ng kasinungalingan,
at ang kasakiman ang magiging bagong batas.
Sa gitna ng pagtataksil at pagdurugo -
ang pangalan ng Shiloh ay mauukit muli, hindi sa ginto, kundi sa abo.
Maririnig ang iyak ng mga babaeng inabuso, ang sigaw ng mga sanggol na nawalay sa pamilya.
Ang panaghoy at hinagpis ay babalot sa Shiloh; ang luha ng mga miserable ay babaha.
Higit bang nakakatakot ang mga dayuhan,
o ang galit at determinasyon ng mga taong nawalan ng lahat?
Sino ang magbabangon mula sa abo ng Shiloh?
Sino ang makakaalala sa huling pag-asa?
At sino ang mananatiling tapat - kahit wala nang dapat paglingkuran?
Sino ang tapat hanggang sa huli?