Ang kwento na ito ay tungkol sa paglalakbay ng unang ninuno ng McBlood sa mundo ng mga tao. Si Peony ay lumaki sa maliit na isla kung saan ang kanilang batas ay hindi pinapahintulutang lumabas ang mga kababaihan sa kanilang pamamahay na walang permiso ng magulang o asawa nila. Ang kanyang ama naman ay laging wala sa kanilang pamamahay sapagkat lagi itong tambay sa sabungan ng mga manok, uuwi na lamang sya kapag gutom na o hindi kaya ay lasing. Ang ilaw naman ng tahanan ay maagang kinuha ng poong maykapal dahil sa malubha nyang sakit. Maagang namulat si Peony sa mga gawaing bahay kaya naisin man nyang maglaro na karaniwang ginagawa ng mga bata ngunit hindi nya magawa. Taliwas naman ito sa naging buhay ni Lucifer sa netherworld. Si Lucifer McBlood ay panganay sa pitong magkakapatid, matalino at mabait na anak ang prinsepe sapagkat sya ang inaasahan ng lahat sa trono. Lahat nang trabaho na binibigay sa kanya ng kanilang ama ay ginagampanan nya ito ng maayos kaya paborito din sya ng ama. Akala nya ay nakuha na nya ang lahat ng nais nya kaya wala na syang mahihilinginin pa, masaya na sya bilang crown prince, isang mabuting kuya sa anim nyang kapatid at sya na ang makapangyarihan. Ngunit may isang bagay syang hindi makuha-kuha kahit saan man ny ito hanapin sa netherworld... Ito ay ang soulmate na matagal na nyang nais makita at mahawakanAll Rights Reserved
1 part