Story cover for The Gangster In Me: Adrian Juarez by urlazybae00
The Gangster In Me: Adrian Juarez
  • WpView
    Reads 39
  • WpVote
    Votes 4
  • WpPart
    Parts 6
  • WpView
    Reads 39
  • WpVote
    Votes 4
  • WpPart
    Parts 6
Ongoing, First published Jan 21, 2023
Nang dahil sa isang krimen, dalawang inosenteng tao ang pagtatagpuin. Dalawang puso na may malinis na hangarin ang lulukubin ng galit at mag-aasam ng paghihiganti. 

Si Adrian Juarez, isang mabuting anak at kapatid. Ngunit naglaho ang kabutihan sa kaniyang puso nang patayin ang kaniyang ina at sanggol pang bunsong kapatid. At upang makamtan ang hustisyang hangad na hindi nakamit, sumali siya sa isang gang sa pagniniwalang siya ay matutulungan at mapoprotektahan ng mga ito. Ilalagay niya sa sariling mga kamay ang batas. Mata sa mata, ngipin sa ngipin.

Ngunit nakilala niya si Maddie Martinez, isang napakalambing na dalaga. Ito ang nagtulak sa kaniya upang kalimutan na ang masamang balak at tumingin na lang sa positibong hinaharap.

Ang hindi niya alam, si Maddie ay ang natirang anak ng pamilyang biktima ng isang gang kung saan miyembro noon ang kaniyang ama. Narito ito upang sila'y paghigantihan. Buhay sa buhay.

At nang malaman iyon ni Adrian, ang galit na kaniyang pilit na kinakalimutan ay nanumbalik sa kaniyang puso. Ang babae pala na kaniyang minamahal ay ang kriminal na matagal na niyang hinahanap.
All Rights Reserved
Sign up to add The Gangster In Me: Adrian Juarez to your library and receive updates
or
Content Guidelines
You may also like
The Messenger's Trilogy Book 1: Surrender to an Angel by Juris_Angela
10 parts Complete
"You are the greatest miracle of my life, you are the living proof of what real love means. The purity of your heart and your love taught me that it can cross boundaries.." Teaser: Hindi alam ni Angge kung anong meron sa araw na iyon. Nagising na lang siya na gumuho ang mundo niya matapos sunud-sunod na dumating ang pagsubok sa buhay niya. She lost her parents, she lost their business and nothing has left for her. Bukod doon, nahuli pa siyang niloloko ng boyfriend at bestfriend niya. Dahil sa bigat ng pinagdaraanan, naisip niya na tapusin ang sariling buhay. Ngunit tatalon pa lang siya ng mula sa kung saan ay biglang kumidlat at lumakas ang hangin, kasabay ng pagsulpot ng isang lalaking anghel sa kanyang harapan at nagpakilalang Andrew. Akala ni Angge na tanging ang pagtulong nito sa kanya para muling maayos ang buhay ang tanging magiging papel nito. Sa paglipas ng araw, natagpuan na lang niya ang sarili na nasanay na sa presensiya nito. Hanggang sa ma-realize na lang niya na minamahal na pala niya si Andrew. Kahit alam ni Angge na darating din ang araw na kailangan nitong umalis. She took the risk of loving an angel. Kahit alam niyang impossible na magkakatuluyan sila nito, she seize every moment with him. Until one day, he vanished from her sight. Akala niya ay magiging maayos na siya kahit alam niyang darating ang araw na iyon, ngunit nagkamali siya. Will she able to bare the pain of losing Andrew forever?
Abandoned Life by _Rannie_
6 parts Complete
-COMPLETED- Huwebes, eksaktong alas otso ng gabi. Ang natatanging sandaling magkasama ang pamilya Carmona. Madalas ay abala ang mga ito sa kanya-kanyang ginagawa, kaya hindi maipapagkakailang nakakalimutan ang isa't-isa kahit nakatira lang naman sa iisang tahanan. Sa gitna ng kasiyahan, biruan, maging kwentuhan, eksaktong pumasok ang gulo. Sinira hindi lang ang kanilang ari-arian, pati ang buhay ng iilan sa kasamahan ni Beatrize, ang pangatlo sa anak ng mag-asawang Carmona. Bakit? Bakit kailangang paslangin ang mga taong mahalaga sa kanya? Huli na para tumakas ang dalaga, dinakip siya ng isang lalaking nakakapagtatakang pamilyar sa kanya, kahit pa man may takip ang mukha. May kakaiba sa mga mata nito, tila ba minsan nang nakasalamuha. Sino siya? Sinubukan ng dalagang manlaban, para sa sariling buhay at hustisya na maaaring maibigay pa sa mga nasawing miyembro ng pamilya. Ngunit hindi inasahang mawalan ng kontrol ang sasakyang minamanyobra ng kriminal. Pasuray-suray, sumuong sa ibang direksyon, hanggang mabangga. Isang abandonadong mansyon ang kanilang nabungaran. Bagay na hindi inaasahang nakatayo pala sa naturang lugar. Hindi siya maaaring magkamali, ito ang abandonadong mansyon na madalas mapanaginipan. Ano ang ang meron sa lugar? Kalaunan ay napagtanto ng dalaga na ang bawat nangyayari ay hindi nagkataon, sinadya talaga upang buksan ang isang katotohanan. May kwento siyang dapat malaman. Bagay na kung tutuusin ay dapat patay na ngayon, pinaglumaan na ng panahon. Nararapat lang kalimutan. Ngunit dahil sa matinding damdamin, kagustuhan at pangungulila, ngayon ay muling mamamayagpag. Pinapalibutan ng misteryo ng buong lugar. Misteryong siya ang hinihintay na lumutas.
The Innocent Killer (Tagalog) by YasherSolaiman
11 parts Complete Mature
Prologue: Sa tahimik na bayan ng San Rafael, nakatayo ang isang malaking bahay na tila itinago ng makakapal na punongkahoy at matataas na pader. Sa labas nito'y mukhang perpekto-maliwanag ang mga bintana tuwing gabi, masagana ang hardin, at ang tunog ng halakhakan mula sa apat na magkakapatid ay tila musika ng kaligayahan. Pero sa likod ng pader na iyon, nagtatago ang isang lihim na magbabago sa kanilang mundo magpakailanman. Isang maulang gabi, bumalik ang mga magulang ng magkakapatid mula sa isang linggong trabaho sa Maynila. Ang dapat sana'y masayang pagsalubong ay nauwi sa isang karumal-dumal na trahedya. Sa sumunod na umaga, natagpuan ang kanilang mga katawan-duguan, wasak, at iniwan sa mga posisyong tila binalak ng isang sadistang mastermind. Kasama nila ang tatlong magkakapatid na pinaslang sa parehong brutal na paraan. Pero may isang nakaligtas. Ang panganay na anak na si Joash, ang idad ay nasa dalawampu't tatlong taong gulang na tahimik at masunurin, ay natagpuan sa loob ng isang aparador-hindi umiiyak, hindi nagagalit, pero nananatiling walang emosyon. Walang bakas ng sugat sa kanya. Tila siya'y inosente. Ngunit bakit parang may kakaiba sa kanyang mga mata? Parang may kwentong gustong ikwento, pero pinipiling manatiling lihim. "Joash," tanong ng pulis na humahawak sa kaso, "may nakita ka ba? Sino ang gumawa nito?" Tumingin lang si Joash sa bintana, na parang walang narinig. Pero sa kanyang isipan, malinaw ang bawat detalye ng gabing iyon-ang mga tunog ng sigaw, ang amoy ng dugo, at ang malamig na halakhak na umalingawngaw sa kanyang mga alaala. Hindi niya alam kung paano niya itatago ang lihim na iyon, ngunit isang bagay ang malinaw: ang inosenting killer ay hindi basta-bastang matutuklasan. Ang tanong, hanggang kailan?
You may also like
Slide 1 of 10
Polaris cover
Craving Grecela cover
The Husband's Comeback cover
The Devil's Own Me.(TVDM #2) Complete  cover
The Messenger's Trilogy Book 1: Surrender to an Angel cover
Billionaire's Maid (Completed) cover
Abandoned Life cover
Lahat Ng Ito'y Para Sa Iyo cover
The Innocent Killer (Tagalog) cover
CTBC: Carrying The Billionaire's Child ✔ [COMPLETED]  cover

Polaris

14 parts Complete

Bunso ang labing-apat na taong gulang na si Emeraldine sa anim na magkakapatid ng kanilang pamilya. Ngunit ang apat na nakatatanda lamang ang nakilala niya sa paglaki. Ito ay bunga ng paglayas ng kanilang panganay noong siya ay apat na taong gulang pa lamang. Kaya naman lubos na ikinagulat niya nang makita ang kapatid na iyon isang araw makalipas ng sampung taon sa harap ng kanilang tahanan. Ngunit hindi niya ito nagawang kausapin. Ang tanging naabutan niya ay ang isang kahon sa harap ng tinayuan ng dalagang iyon. Isang kahon na naglalaman ng napakaraming pera. Napuno si Emeraldine ng tanong at kuryosidad. Iyon ang simula ng kaniyang pagkasabik at kagustuhang makilala ang panganay na kapatid na sa nakalipas na dekada ay hindi napag-uusapan sa kanilang tahanan. Upang punan ang nararamdaman at isipan, sinimulan niyang hanapin ang dalagang iyon...