Nagsimula ang lahat sa tuksuhan at katuwaan nina Aiyana, Graciella, Chuvie, Frelienne, at Kristell-limang magkakaibigan at magkaklase sa kolehiyo. Walang sekretong naitatago sa pagitan nilang lima lalo na pagdating sa mga crush nila. Alam na alam nila ang tungkol kay Arthur na "soulmate" diumano ni Aiyana at dating crush ni Chuvie na stalker pala at crush din ni Graciella. Subalit kung para naman kay Graciella, mas boto ang apat kay Gene-ang bestfriend ni Arthur, schoolmates nina Kristel at boyfriend nito, at dating crush ni Aiyana. Saan hahantong ang katuwaang ito? May magkakatuluyan kaya sa kanila? Sino ang para kanino? Paano kung may iba pang susulpot at makikigulo sa buhay-pag-ibig nila?