Salat man sa maraming bagay, masaya naman ang pamilya ni Akira, hanggang sa bawian ng buhay ang kaniyang ama. Mula noon sila na ang pumalit sa trabaho nito sa Hacienda Gracia. Bukod kasi sa nagkandautang-utang sila, kailangan din niya ang trabaho roon para makatapos sa pag-aaral. Subalit hindi naging madali ang lahat para sa kaniya. Dahil sa halip na makapagtapos siya ng kolehiyo, huminto s'ya bago pa mangyari iyon. At iyon ay dahil sa taong may inggit sa kanilang mag-ina. At sa pagdating ni Liam Fuentabella sa buhay niya, magbago kaya ang takbo ng lahat? O hindi kaya mas lalo lang lumala ang sitwasyon at tuluyan na siyang malubog sa sitwasyon na kaniyang kinasadlakan? Paano niya maiwasan ang lahat?