He was always there everytime na itutulak ako ni Julio palayo. Nandiyan para pangitiin ako sa oras na down ako dahil kay Julio. Nandiyan siya para punasan ang luha ko na si Julio ang rason. At higit sa lahat, nandiyan siya para sabihing ang cupcake ko ang pinaka-masarap sa lahat kahit na halos isumpa ni Julio ang lasa nito. He was there, he was there everytime I need someone to lean on.