Para sa mga taong nagmamahal, nagmahal, nag-iisa, broken hearted, nagmo-move on, nakapag-move on, nasaktan, iniwanan, pinaasa o umasa.. ang story kong ito ay para sa inyo. Ang pag-ibig ay nagsisimula sa simpleng komunikasyon o usapan, naging araw-araw, naging magkaibigan, ayan 'di namalayan may crush na pala, hindi na pala crush pero gusto mo na talaga siya.. Ano na? Pag-ibig na ba talaga 'yan? Ang pag-ibig ay ang pagsasama ng dalawang tao sa iisang pangako. Nakatali ang dalawa sa isang relasyong sila ang bumuo. Wala naman makakasukat sa pag-ibig. Hindi naman natin madidikta ang ating kapalaran sa pag-ibig. Lalong-lalo na hindi naman natin mapipigilan ang ating sarili kapag tumibok ang ating puso para sa isang tao. Ang payo ko lang "Huwag papasukin ang isang bagay na hindi ka sigurado sa iyong desisyon". 'Wag kang padalos-dalos sa iyong mga ginagawa. Isipin mo muna ito ng mabuti bagi ito ay gawin. Kung ito'y makakabuti o makakasama sa'yo. Eh, bakit mo siya sinagot kung hindi mo naman siya mahal? Bakit ka pa nagmahal kung aayaw ka din? Bakit ka umasa kung alam mo namang walang pag-asa? Bakit mo pa siya minahal kung paulit-ulit ka na niyang sinaktan? Bakit mo siya minahal kung alam mong ginagamit ka lang niya? Bakit? Bakit?!!! Oh edi sadlife na ito. Ano? Iiyak ka nalang lagi? Hindi ka na ba tatayo? Hanggang diyan nalang ba ang kaya mo? Pwes, ipakita mong kaya mo at babangon ka!!! 'Wag mo ng ibalik ang nakaraan pa. Hindi rin iniiyakan ang mga walang kwentang bagay at tao. Hindi mo rin deserve ang itsurang ganyan! Revenge is mine nga diba? Ang munting payo ko lang naman ay "Huwag kang magmahal ng buo. Kapag nagmahal ka dapat ay mahalin mo rin ang sarili mo. Magtira ka rin para sa'yo". Wag kang masyadong mapagbigay. Napaka-bait mo naman. Ano ka anghel? Edi ikaw na. Hahaha
1 part