Simple lang naman sana ang pangarap ni Beverly Llamado at iyon ay magkaroon ng isang masayang pamilya kasama ang lalaking kaniyang mapapangasawa. Sa kasamaang palad, siya ay nabigo. Ito ang nagtulak sa kaniyang magtrabaho sa Amerika bilang isang registered nurse. Nangako na lang din siya na ilalaan na lamang niya ang pagmamahal sa kaniyang pamilya na nasa Pilipinas. Sa edad niyang kuwarenta ay tuluyan na siyang napaglipasan ng panahon at napabayaan ang kaniyang pangangatawan hanggang sa tumaba na siya nang husto. Nang kinailangang operahan ng kaniyang pinakamamahal na ina ay napilitan siyang umuwi ng Pilipinas para maalagaan ito. Sa kaniyang pagbabalik ay makikilala niya ang anak ng aristokratang alahera na matalik na kaibigan ng ina. Ang bente-singko anyos na heartthrob at isa ring hopeless romantic na si Stephen Aquino, ngunit head-over-heels naman sa sexy at maganda nitong girlfriend na si Sophie Barranda. Laking dismaya pa niya dahil ipinagkasundo pala siya dito sa kabila ng labin-limang taong agwat nila. Matupad kaya niya ang kahilingan ng ina o pangangatawanan na lang niya ang kaniyang pagiging isang old maid? Ano ang epekto ng kasunduang ito sa sa magandang relasyom nila Stephen at Sophie? Basahin at saksihan ang pagiging mabuting anak, kapatid, at kaibigan ni Beverly, ang kaniyang kulitan at kilig moments kay Stephen, at ang iringan nila ni Sophie. Sila at ang iba pa ang makakasama ni Ms. Beverly sa kaniyang huling biyahe. (Fanfiction for Ms. Regine Velasquez) "Every day is a journey, and the journey itself is home." -Matsuo Basho
49 parts