"Ang talulot ng puting rosas ay simbulo ng buhay. Kapag nahulog huling talulot nito, nangangahulugang huli na, wala na, o 'di naman kaya'y tapos na."
......
Masayahin at kilala si Domeng bilang anak ng mayamang pamilya Asuncion. Sa likod ng saya, itinago ng kaniyang mga magulang ang katotohanang nabibilang na ang kaniyang mga araw.
Dumating ang araw kung saan nasilayan niyang muli si Gerardo, ang kaniyang kaibigang nang-iwan at nangakong babalikan siya.
Sa matagal na pagkawalay nito, naging iba ang sigaw ng kaniyang puso-ang ibigin ito sa muling pagkikita nila.
Lumaking hindi kilala ang tunay na mga magulang, maagang namulat si Leroncillo San Roque sa kalupitan ng mundo. Ngayong nabigyan siya ng pagkakataong maipaglaban ang pagkakapantay-pantay, handa ba siyang isakripasyo ang lahat maatim lang ang hinahangad na tagumpay?
***
Mulat sa bulok na sistema ng lipunan, tumatak sa isipan ni Leroncillo San Roque ang kawalan ng hustisya at hindi patas na trato sa mga mahihirap. Bagama't lumaki sa kalinga ng isang prayle, hindi pa rin naging madali ang daloy ng kaniyang buhay. Patuloy pa rin siyang sinusubok ng mga tao, ng pagkakataon, at ng tadhana. Ngayong naipit si Leron sa isang sitwasyon na maaaring magpahamak sa mga taong mahalaga sa kaniya, ano nga ba ang tamang hakbang upang makamit niya ang inaasam na kalayaan at hustisya? Magagawa ba niyang linlangin ang kalaban at mailigtas ang kaniyang amain at mga kaibigan? O mapupunta lamang ba sa wala ang lahat ng kaniyang pinaghirapan?
Cover Design by Louise De Ramos