This is the day! We're finally going to be Mr. and Mrs. de la Garza. "Ano? Ready na ba?" Kinakabahan kong tanong. "Relax kuya. I'm so sure na dadating si ate. Malay mo sumasabay lang siya sa tradisyon diba?" Tss. Kung anu-ano nanaman pinagsasasabi nito. Di ko na lang siya pinansin. Maya't maya may biglang sumigaw. "Ahhhhhhh!!!!! Andito na si ate!!!!!" Mas lalong nadagdagan ang kaba ko. Andyan na. Malapit na. Leche! Ba't ba kasi ang rami-raming naglalakad?! Finally! Nakita ko na rin siya. I saw her. Not smiling nor frowning. Just a straight face. I knew it. Something's wrong. Nagsimula na siyang maglakad. Nang makarating na siya sa akin, I extended my hand to hold hers. She's hesitant. She looked me in the eyes and a sad smile formed on her lips. Then suddenly, she started running, away from them, away from me.