Pag sinabi ko kaya maiintindihan nila? Kapag ba binuksan ko ang mga sugat na pilit kong tinatapalan ay maiintindihan nila? Paghilom sa kahapon at pag-usad sa ngayon, nangyayari nga ba? Hinihilom nga ba tayo ng Panahon o sinasanay lang talaga upang makabangon muli para sa panibagong araw? Maraming tanong ang naka-kubli, maraming tanong ang walang sagot, dahil walang sasagot. Iniwan sa gitna ng kawalan na sarili lang masasandalan. Paghilom sa mga bagay na hindi kayang alisin. Paghilom sa mga sugat na hindi alam kung ano ang magiging solusyon. Paghilom sa pamamagitan ng Panahon. Paghilom sa mga salitang hindi kayang bitawan upang makalaya sa mga nakakandadong pinto na tanging salita at tula lamang ang natitirang paraan upang ilabas.All Rights Reserved