Si Aviel ay isang simpleng law student na ang tanging nais ay makapagtapos ng pag-aaral. Dahil sa likas na mapagbiro ang tadhana ay nagsara ang kumpanyang pinapasukan niya kung kailan abot-kamay na niya ang kanyang pangarap. Sa tulong ng kanyang kaibigan ay makakahanap siya ng panibagong trabaho. Makikilala niya si Callie, ang nakakatandang kapatid ng batang nagmamay-ari ng pusang aalagaan niya. Makakasama niya ang dalaga sa loob ng anim na buwan. Ano ang mangyayari kung gagamitin ni Aviel ang kanyang puso para mag-isip?