PROLOGUE
"KINAKABAHAN ako sa gagawin natin," pabulong na sabi ni Melissa Abalos, sapu-sapo ng kamay nito ang dibdib at Panay ang pagbu-buntong-hininga.
Ramdam ni Melissa sa dibdib ang malakas na kabog doon.Napahigpit ang kapit nito sa braso ng bestfriend nitong si Kate Guzman na halatang kabado rin. Hinarap ni Rico Gatchallian ang girlfriend nito. "Relax ka lang, Melissa," anito na hinawakan si Melissa sa kamay. Ramdam nito ang panlalamig ng girlfriend.
Pagkatapos at binalingan ni Rico si Gilbert Ilagan na may hawak ng penlight na nakatutok sa key hole ng pinto ng faculty room. "Itapat mo naman nang maayos 'yong liwanag, pare." Halatang pinanginginigan ng kamay si Gilbert.
Si Brennen Legazpi naman at si Irene Aquino at nasa dulo ng corridor bilang mga lookout.
"Bilisan n'yo naman diyan," pasigaw na sabi ni Brennen.
Umalingawngaw ang boses nito sa kadiliman at katahimikan ng corridor. "Hahanapin na ako sa amin."
Pasado alas siete na ng gabi at madilim na sa buong St.Micheal's Academy. Sila na lamang na magkakaklase ang tanging tao roon sa high school building. Hindi pa sila umuuwi at mga naka-school uniform pa.
Hindi maalis-alis ang kaba ni Melissa na kanina pa nito nilalabanan. Alam nitong isang malaking kamalian ang gagawin nila.
Six crew members of the freighter spaceship Tulpar after a mysterious crash leaves them stranded in space, trapped within as supplies dwindle, and things take a drastic turn.
TW for SA, violence, and probably more that i can't remember, just be careful if you're sensitive to these things
:3 hope you enjoy ♡
I do not own the game
Wrong Organ is the main owner
We all hate Jimbalba