Si Tanya ay isang third year accountancy student sa isang sikat na university. Kung tatanungin pa ang iba'y halos perfect ang deskripsiyon ng mga ito sa kanya. Maganda, matalino, mabait at successful na dahil sa ilang taong pagiging all around designer nito kahit pa sabihing freelance lang. Di maitatanggi na sa ganitong katayuan niya ay marami rin sa mga kalalakihan ay kinahuhumalingan ito. Dahil sa natuklasang sekreto sa pagitan ng kanyang bestfriend at boyfriend ay napagpasyahan niyang eh enjoy nalang muna ang kanyang single life at mag focus sa mas importanting bagay. Pero sa di inaasahang pagkakataon ay nakilala niya si Drew, isang criminology student at student council president sa kanilang university. Mapaninindigan niya pa kaya ang kanyang pagiging single o di kaya'y susugal uli siya sa panibagong pag ibig na pilit niyang pinipigilan?