Parehong taga probinsiya sina Kyline at Kenneth o Ken. Nagkalayo lang ang dalawa nang magpunta si Ken sa Maynila upang doon mag kolehiyo. Simula't sapul ay alam na ni Kyline at siguradong-sigurado siya sa sarili na si Ken ang gusto niyang makasama sa habambuhay. Ang problema, matalik na kaibigan lang ang turing ni Ken kay Kyline. At hindi ito alam ni Kyline. Ang buong akala ng babae ay pareho sila ng nararamdaman sa isa't-isa. Hanggang sa unti-unting nararamdaman ni Ken ang pagsinta ni Kyline habang nasa Manila siya. Dahil doon ay nagpasya siyang umuwi ng probinsiya upang linawin kay Kyline na kaibigan lang ang turing niya rito lalo pa at may kasintahan na siya sa Manila. Ngunit nang makita ng muli ni Ken si Kyline, hindi naging madali sa kaniyang sabihin ang mga dapat niyang sabihin. Masyadong masaya si Kyline nang makita siya. Paano niya sasabihing may iba siyang iniibig at hindi siya ang lalaking para rito?
5 parts