Ang gusto lang naman ng magkaibigang Dominic at Sharmaine ay ang makatagpo sila ng makakasama habang-buhay na malawak ang pang-unawa. Nais nilang magkaroon ng isang "cool relationship" na matatawag--hindi "toxic" at handang respetuhin ang oras at nararamdaman ng bawat isa. Ngunit mapanindigan nga kaya nila ito kung sila na mismo ang papasok sa relas'yong gusto nilang magkaroon? Makayanan kaya nila ang tinatawag nilang "cool relationship" kung unti-unti nilang maramdaman kung gaano nila kailangan ang isa't-isa sa bawat segundo ng buhay nila? Manatili pa rin kaya sila sa piling ng bawat isa o tuluyan na lang maglalaho ang kanilang pinagsamahan, pati na rin ang kanilang pagkakaibigan?