Revenge Of A Beauty (Masalanta #2)
32 części W Trakcie Buong buhay ni Jandrix, si Aina Santamaria lang ang babaeng pinapangarap niya. Lahat ng magagawa niya para mapalapit sa kanya ay ginawa na niya-sunduin araw-araw, magbigay ng bulaklak, at humiling sa Masalanta Fountain. Pero kahit anong gawin niya, tila malabo pa rin na magustuhan siya ng babae.
Sa kabila ng lahat ng pagsisikap ni Jandrix, lalong naiirita si Aina sa kanya. Sa kalaunan, magiging handa siyang gumawa ng kahit anong bagay, kahit na masama, para makuha lang si Aina. Ang kanyang pagnanasa ay nagiging obsesyon, na nagdudulot ng malalim na sugat sa buhay ni Aina.
Ilang taon ang lumipas, babalik si Aina na may bagong pagkakakilanlan at bagong status upang maghiganti bilang si Anarina Rafael. Pero matatakasan ba niya ang isang Jacobo Andrix Bigeriego? At kaya ba niyang mahalin ang taong sumira sa kanyang pagkatao at pamilya?
Masalanta Series #2
R-18 MATURE CONTENT