Ano nga ba ang tunay na pagmamahal? Paano nga ba magmahal? Kailan mo ba malalaman na masama at hindi na tama ang pagmamahal kung sa paraang iyon ay nagiging masaya ka? Ako si Addison, simpleng buhay lang ang gusto ko kahit na ang pangalan ko ay kilalang-kilala, dahil isa ang dad ko sa mga business tycoon dito sa Pilipinas. Bawat kilos ko ay nalalaman agad, bawat alis ko ay wala ring sikreto dahil hindi yata ako pinanganak para maging pribado ang buhay ko. Dahil sa ginawa sa akin ng ex kong si Timo, hindi ko na alam kung paano pa magtitiwala sa mga lalaking lalapit sa akin at magsasabing sincere sila na gusto nila ako. Hanggang sa makilala ko si Baste sa lugar kung saan masasabi kong safe haven ko.
4 parts