"Yapak"
  • WpView
    Reads 123
  • WpVote
    Votes 0
  • WpPart
    Parts 1
WpMetadataReadComplete Tue, Feb 14, 2023<5 mins
Napahikab ako dahil sa naramdaman kong antok at pagod dahil sa paghahanda para sa nalalapit naming pagsusulit. Habang nililigpit ko ang aking mga gamit napatingin ako sa paligid at napansing ako na lang pala ang nag iisang estudyante na natira sa aming silid-aklatan. Napatingin ako sa may bintana at napansin kong madilim na ang paligid. Naabutan na pala ako ng gabi. Nang matapos kong ayusin ang mga gamit ko'y agad-agad naman akong tumayo at lumabas sa silid aklatan. Habang ako'y naglalakad, naalala ko na may usap-usapan na kapag alas siete na ng gabi'y may nagpaparamdam na multo rito sa aming paaralan. Agad naman akong napatingin sa aking orasan at napasinghap na lamang ako ng makitang alas siete na ng gabi. Binilisan ko naman ang aking paghakbang sapagkat ako'y nakakaramdam na ng takot. Nang makababa na ako't nakarating sa may koridor mas nakaramdam ako ng takot dahil nakita ko na patay sindi ang ilaw. Kaya mas binilisan ko naman ang aking paghakbang, muntik pa nga akong madulas dahil basa ang daanan. Agad naman akong napatigil sa paglalakad nang mahulog ang aking isang kwaderno. Halos di na ako huminga at dahan-dahan kong pinulot ito, Pero halos di na ako makahinga dahil sa takot nang mapansin na tuyo na ang dinaanan ko at di na makita ang aking mga yapak. Nanginig ako sa takot ngunit mas nagulat ako na may nagsalita sa aking likuran at dahan dahan ko naman itong nilingon. "Ineng ginabi ka yata ngayon" sambit ng dyanitor ng aming paaralan. PS: This story was made for me by Mae Joy for my school activity. Actually, it really happened to her. HAHAHAHAHAHA
All Rights Reserved
#109
dagli
WpChevronRight
Join the largest storytelling communityGet personalized story recommendations, save your favourites to your library, and comment and vote to grow your community.
Illustration

You may also like

  • Tell Me You Love Me Too
  • Meri - Tumhari - Humari adhoori kahaani
  • Word Of Action!✔️
  • Terrified Woman COMPLETE
  • Daffodils and Hyacinths (Book 3 of the Forgotten Truths Series)
  • I wished for a Boyfriend not a Girlfriend (GxG, Lesbian) °editing°
  • Adesewa the pregnant corper
  • Chaos: The Spark Behind the Muse

Umpisa pa lang alam ko sa sarili ko na hindi mo naman susuklian ang pagmamahal na nararamdaman ko para sa'yo. Una pa lang alam ko ng kapatid lang ang tingin mo sa akin habang sa kaniya tingin mo ay magiging asawa at maging nanay ng mga anak mo. Alam ko. Sa umpisa pa lang alam na alam ko. Pero kahit totoong alam ko sa sarili ko ang bagay na 'yan. Mas pinili kong magbulagbulagan kasi akala ko makikita mo din ako, hindi bilang kaibigan o kapatid kundi bilang isang babae. Akala ko sa paglipas ng panahon ay matututunan mo din akong mahalin at piliin kahit pa iniwan ka niya. Akala ko mapapalitan ko siya sa puso mo. Ngunit sa paglipas ng panahon. Mas lalong maging malinaw ang lahat. Naging sobrang linaw na hindi na kayang maging bulag bulagan. Hindi ko maiwasang mag tanong kung anong mali sa sarili ko. Ako naman yung nandito sa tabi mo pero bakit hindi ako? Bakit kahit wala na siya ay kalaban ko pa din siya diyan sa puso mo? Bakit kahit wala na siya ay kahati ko pa din siya sa diyan sa atensyon mo? Bakit... Bakit hinihintay mo pa din siyang bumalik sa'yo?

More details
WpActionLinkContent Guidelines