Lumaki sa mag-kaibang estado ng pamumuhay si Calix at Akira. Namuhay sa marangya at sa mga bagay na kina-iinggitan ng maraming mga kabataan na hindi kayang tapatan ng iba, pero may isang bagay lang ang hindi kayang makuha ng binatang si Akira, yun ay ang pag mamahal ng mga magulang. Si Calix naman ay lumaking simple lang ang pamumuhay, walang maipagmamalaki kundi ang katangitanging nag iisang ginto na kwintas, ng mag kinse anyos na sya ay ibinigay sa kanya ng kanyang ina ang kwintas na paulit-ulit na pinag tatangkaan na ibenta ng ama sa sanglaan ng ginto, kabilinbilinan sa kanya ng kanyang ina na tanging ang kwintas lamang na iyon ang magagawang tulong ng kanyang ina at wag na wag hahayaan na mawala, nakapag tapos si Calix ng HRM sa sariling sikap at tiyaga na mag aral sa umaga at mag trabaho sa gabi. Nang mag kakilala si Calix at Akira nag bago ang takbo ng mundo ng dalawa, naging takbuhan nila ang isa't isa hanggang sa magising nalang sila ng isang araw na may pag-ibig na sila para sa isa't isa, pero naging tridor ang tadha dahil sa susubukin ang nararamdaman nilang dalawa, lalo pang naging mahirap sakanila ng malalaman na involved ang pamilya ng dalawa, na syang magiging dahilan upang mamili sila ang puso ba o ang kanilang pamilya.