Kailan naging solusyon ang kasunduang kasal para mapagtakpan ang isang kahihiyang matagal ng tinuldukan? Ang pagpapakasal ni sa hinagap ay hindi sumagi sa isipan ni Jelena Alejo, isang magazine writer at photographer. Matapos ang paulit-ulit na kabiguan sa pag-ibig, magawa pa kayang magtiwala ulit ni Jelena sa lalaking napili ng pamilya upang ipakasal sa kanya? Kalabisan ba kung hindi niya kayang ibigin at pakisamahan ang lalaking napangasawa kahit pa ito ang nagligtas sa buhay niya at siyang taong nagpaparamdam sa kanya ng mga bagay na hindi naman niya naramdaman noon sa iba? Natuturuan man ang pusong magmahal, hindi naman niya kayang makitang nasasaktan ang napangasawa dahil lamang sa malamig niyang pakikitungo at pagdistansya. Handa kaya siyang buksan ang puso para sa lalaking nagdala sa kanya sa isang unwanted marriage?
41 parts