"Kung bibigyan pa ako ng chance upang itama ang pagkakamali ko ay hihigpitan ko ang pagkakahawak ko sa chance na 'to para hindi ito makakahulagpos sa kamay ko." Naging makasarili si Kairos at pinabayaan ang kanyang asawa. Naniwala sa mga sinasabi ng taong nakapaligid sa kanya. Ngunit nang magising siya sa katotohanan ay huli na ang lahat sapagkat wala na ang kabiyak. At mas masakit pa ang parusa nito sa kanya dahil ang kamatayan ang pinili nito para iwan siya. Subalit paano kung makilala niya ang bulag na si Sheena na kawangis ng namayapa niyang asawa. Paano siya maniniwala na hindi ito si Diana kung pakiramdam niya ay iisang tao ang dalawa? Ngunit paano niya maipapaliwanag na hindi siya ng kilala ng babae?