Mga tula o talata na isinulat simula 2021 hanggang 2022. Tula at talata na minsan masaya, minsan masakit, madalas para sa sarili. Minsan rin para sa taong nakilala lamang. Gusto mo ba akong makilala noong mga panahong iyon? Ito ang daan, makikilala mo ako sa pamamagitan ng mga salitaan ko noon. Makalat ito sing kalat ng mga ulap kung pagmamasdan. Katulad din ng ulap, minsan buo ang pagkakahulma ng tula, minsan naman ay hindi kinayang pahabain. Ngunit kagaya ng ulap, ang mga salitaang ito ay patunay na bawat araw may iba't ibang emosyon, iba't ibang hugis. May hugis na malungkot, hugis ng masaya, hugis ng nagtatanong, hugis na umaasa, hugis na sobrang nasasaktan, minsan naman ay hugis ng tagumpay. Kilalanin ang binibining mahilig sa ulap, na ginawang ulap ang grupo ng salita.