Paano kung umibig ka pero hindi mo alam kung sino talaga ang para sa'yo? Paano kung may dumating sa buhay mo na akala mo'y mamahalin ka ng totoo, pero sa huli, puso mo lang pala ang wasak? Mas okay pa sigurong wag na lang umibig... pero paano kung may isang taong biglang dumating at muling nagpatibok ng puso mong matagal nang nanlumo? Matatawag mo bang tunay na pag-ibig kung ang taong gusto mo, ni katiting na damdamin wala para sa'yo? Eh kaso, masyado ka yatang marupok... Ito ang kwentong puno ng twists at complications tungkol sa one-sided na pagmamahal ni Sophie Winter Medrano-isang babaeng tapat sa damdamin at iisa lang ang laman ng puso: si Andrius Gray Salazar. Pero si Andrius? Isang certified casanova na mahilig magbuo ng sariling harem, isang bad boy na walang interes sa pag-ibig. Sa loob ng kanilang unibersidad, siya ang tipong hindi mo dapat seryosohin... pero paano kung si Sophie, hindi lang basta nagmamahal, kundi handang sumugal sa isang laban na mukhang talo na bago pa man magsimula? February 24, 2023 ~All Rights Reserved
6 parts