Naiwan akong mag-isa sa classroom kaya nabuburyo na ako. Nakita ko ang cellphone ng professor namin, at nang binuksan ko ito ay nagulat akong wala itong password. Binuksan ko ang messenger ni professor at saktong nagmessage ang girlfriend niya, kaya may naisip akong kalokohan. "Babe, nasaan ka na?" Text message ng girlfriend niya. "I am at home of my girl, and I want to say that I am breaking up with you." Message sent saka ako bumungisngis pero mas nagulat ako sa naging reply nito. "Akala mo ba, ikaw lang? HAHAHA. Mayroon din ako and you know what kung sino? 'Yong kapatid mong si Jasper." Reply nito at nahulog ko 'yong cellphone ng professor namin nang may narinig akong nagsalita sa likod ko. "What are you doing Ms. Estioco?" Tanong ng professor ko.