









Hindi masyadong nagtitiwala si Akira sa mga tao. May mga issue kasi siya sa nakaraan kaya nga nakonteno na lang siya sa "maliit" niyang mundo. Naka-focus lang siya sa kanyang flower shop at sa pagpapalago niyon. Her sister was out of the question. Hindi sila close kaya nga wala siyang pakialam kahit bumalik na ito ng Pilipinas. Pero mabilis na nagulo ang buhay ni Akira nang dumating sa flower shop niya si Akelle--ang super hot lead vocalist ng Flow. Makabubuti ang binata sa negosyo ni Akira but she had this feeling that he would not do any good to her heart. At nang makita niyang magkasama ang kanyang ate at si Akelle, napagtanto ni Akira na tama siya. Walang mabuting dulot sa puso niya si Akelle. Dahil nasasaktan siyang makita na may kasamang iba ang binata.
More details