This Girl's In Love With You Noemi De Guzman Lingat Kasabihan na mahalin mo na lang ang bestfriend mo bilang kaibigan at bff mo, kung gusto mong maging forever ang pagsasama n'yo. But never fall in love with your bestfriend, kung ayaw mong maputol ang closeness ninyo. Minahal ni Bess si Guy ng higit pa sa pagiging magkaibigan nila. Bagay na itinago niya sa mahabang panahon dahil ayaw niyang maputol ang closeness nila. Pero dahil sa bestfriend niyang si Elayza, nagbago din ang lahat sa kanila ng BFF niyang si Guy. Naputol ang magandang pagsasama nila dahil kusa siyang umiwas at nagparaya. Inisip niyang si Elayza ang pinili ni Guy na mahalin higit pa sa kaibigan, kahit minsan lang silang nagkasama at bagong magkakilala. Gayong sila ni Guy ay matagal na sapul mga bata pa sila, bukod pa sa sanggang-dikit talaga sila. Pero ang desisyong ginawa niya ay isang pagkakamali pala