napakarami kong naiisip na kwentong pwede kong ibahagi sa inyo. yung magpapangiti sa iyo sa mga salitang nababasa mo eh may naaalala ka at yung mapapaluha ka nang hindi mo napapansin dahil very touching yung ending. hindi ako mahilig bumasa ng kwento na gawa ng iba sumasakit kasi ang mata ko, kaya magkwekwento na lang ako sa iyo. isang matandang lalaki ang nakikipagkwentuhan sa kanyang lalaking apo (lolo Jonh at Daniel). problemado ang apo, umiiyak, mag-isa lang sa may garden. nagmumuni-muni, nakaupo. kasama ang mabilog na buwan, dumating si lolo Jonh na may tungkod na kaagapay, umupo sa tabi ng apo. "naalala ko si Daniela" ani ni Lolo Jonh, " lo paulit ulit na ang kwentong yan!" " teka, hindi ka ba nagtataka kung bakit Daniel ang pangalan mo?" natahimik si Daniel at napaisip. " siya si Daniela, mahal na mahal ko sya, sayang lang talaga at hinayaan ko syang iwan nya ako", sumabat si Daniel " first love never dies, tama lolo, eh bakit nga ba sinunod nyo ang pangalan ko sa kanya"? "noong mga panahong iyon nahulog agad ang loob ko kay Daniela, noong una medyo suplada sya pero nang nagpakilala ako sa kanya at nasilayan ko ang kanyang matatamis na ngiti, hindi na ako nagdalawang isip na ligawan sya. Daniel: alam nyo paulit ulit lang naman ang kwento ni lolo Jonh pero hindi kayo magsisisi kung mapakinggan nyo man ito, halika samahan nyo akong makinig nanaman sa love story ni lolo Jonh.Public Domain
1 part