Nakakita na ba kayo ng napakaiyaking asawa? kung oo, ano yung pakiramdam? ano yung naiisip niyo? Ako kasi halos mabaliw kung ano gagawin ko sa kaniya. His name is Juanito Alfonso I, ang aking asawang iyakin. Hindi lang kami nagkita ng isang araw, halos magwala na sa cellphone kakaiyak at gusto na agad ako makita. Cute naman minsan, cute naman daw talaga sabi ng iba pero para sa akin, perwisyo! Tipong nasa trabaho ako at bigla-bigla na lang siyang tatawag kasi boring daw sa trabaho niya, samantalang tambak ako sa trabaho ko. Maiinis ka na lang kasi kailangan mong sagutin tawag niya kundi ay magtatampo ang loko. Bago ko makalimutan, Lina Medina Hidalgo-Alfonso nga pala ang pangalan ko. Sana magustohan mo ang aking kwento at sabay tayong mahulog sa isang iyaking lalaking asawa. © 2023 justreyma's stories