May mga kasiyahan at kalungkutang hindi natin alintana. May mga lihim na kaligayahan na tanging ang nagmamahal lamang ang nakararamdam at nakauunawa. Ito ay mga kalipunan ng tula ni Presilda sa iba't ibang aspekto ng kanyang buhay bilang isang ina, anak, asawa, maybahay, empleyado at bilang isang babaeng may pangarap, prinsipyo at paninindigan sa buhay. Isang babae na nagmamahal din at nasasaktan.Seluruh Hak Cipta Dilindungi Undang-Undang