Hindi maikaila sa sarili ni Sharmelle Nevilla ang lihim na paghanga niya kay Donovon Gutierrez nang minsang tumingin ito sa kanya at ngumiti. Hindi mawala sa isip niya ang ginawi ng binata hanggang sa makauwi siya sa kanilang tahanan. Ngunit nagulo naman ang kanyang pagbabalik-tanaw sa kanyang lihim na iniirog nang may isang pangahas na pumasok sa kanyang kwarto mula sa terasa. At ang pangahas na iyon ay ang kanyang dating manliligaw na si Akihiro Mizushima na half-Japanese. Paano nalang kaya ito kung hindi lang kwarto ang pinasok nitong si Akihiro kundi pati ang nag-uumpisa na niyang love life kay Donovon?Todos os Direitos Reservados