Paano mananatiling buo ang pamilya? Paano kung ang dating masayang samahan ay biglang nasira dahil sa ginawang hindi sinasadya? Ano ang gagawin ng isang ina para ibalik ang dating pagmamahal na nawala? Ano ang kayang gawin ng isang anak para sa pamilyang minamahal? Ngunit paano maibabalik ang mga bagay na nawala? Maibabalik pa nga ba ang masayang pamilya? Paano kung ang bawat meyembro ng pamilya ay may nakatagong sekreto na hindi mabura-bura? Mananaig kaya ang pagmamahal ng bawat isa sa isang pamilya? Mananaig kaya ang pamilya o mas mananaig ang galit na umuusbong dahil sa mga sala?