
#PenCraftsBookAwardsEntry The unplanned love story of Ema Castro Ang love ay ang pinakamasaya at pinakamasakit na nangyari kay Ema. Ilang buwan na ang nakakalipas bago ang pasukan sa kolehiyo ng maghiwalay si Ema at ang dati nitong nobyo. Wala na siyang kahit na anong feelings dito. Tanging ang trauma na lang na napagdaanan niya sa kanilang relasyon ang naiwan. Fourth year na si Ema at nasa huling taon na sa kolehiyo. Buo na ang loob niya na ang kanyang atensyon ay sa pag-aaral na lamang ituon. Subalit, sadyang mapaglaro nga ang tadhana. Nakilala niya si Armon, isang second year student. Pareho silang representative ng kanilang year level. Dahil sa madalas na magkasama ay naging malapit sila sa isa't isa. Hindi lahat ng feelings ay nasusuklian. Pareho silang nanggaling sa isang masalimuot na mundo ng pag-ibig. Subalit kahit na ganoon ay sinubukan nila pasukin muli ang mundo na nagbigay sa kanila ng malubhang sakit sa puso. Kinilala nila ang isa't isa hanggang sa maging kumportable ng tuluyan na hinihiling na sana ay hindi na matapos ang mga araw na iyon. Sadyang mapaglaro ang tadhana, at dumating ang kinatatakutan ni Ema. Hanggang saan kayang ipaglaban ni Ema at Armon ang nararamdaman kung ang tadhana na mismo ang kanilang kalaban? Isusugal pa rin ba nila ito o papakawalan na lang ang isa't isa?All Rights Reserved