BLURB: Sa isang modernong sibilisasyon lumaki si France Emerson Montefalco. Kahit kailan ay hindi niya pinaniniwalaan ang lahat ng bagay na may kinalaman sa kababalaghan at hindi kayang ipaliwanag ng science. Wala siyang dahilan upang maniwala sa mga maligno, engkanto, diwata, at lalong-lalo na sa mga multo o ligaw na kaluluwa. Malayong-malayo sa hinagap niya na ang pag-uwi ng kanilang pamilya sa probinsya ng kanyang ina ang magpapa-bago sa lahat ng pinaniniwalaan niya. Posible kayang ang isang modernong binatang katulad niya ay ma-inlove sa isang probinsyanang dalaga na tanging tuwing dapit hapon niya lang nakikita? Ano kaya ang hiwagang dala ng babaeng wala namang nakakakilala, at walang ibang nakakakita kundi siya? Magkakaroon kaya ng katuparan ang pag-iibigang nabuo sa pagitan ni France Emerson at ng babaeng mahiwaga? Isang kwento ng trahedya, pag-ibig at punong-puno ng kababalaghan ang ating susubaybayan sa kwento ng BABAENG MAHIWAGA... Note: Ang kwentong ito ay mababasa niyo ng buo at ekslusibo sa Dreame o Yugto AppAll Rights Reserved
1 part