Susi ng Hinaharap | ✓
  • Leituras 96
  • Votos 39
  • Capítulos 13
  • Leituras 96
  • Votos 39
  • Capítulos 13
Concluído, Primeira publicação em mar 05, 2023
Mabigat at masakit ang naging biglaang ikot ng buhay ni Ariba Hiraya Concepcion Realonda. Balot na balot ng takot para sa  kinabukasan niya ang isa sa kanyang mga naramdaman nang maglaho ang bukod tanging taong tinitingala niya sa mundong ibabaw sa likod ng mga tala.

Araw-gabing tahimik, nakayuko, at umiiyak habang nagluluksa, humiling siya na muling mabago ang takbo ng kanyang kuwento - nanalangin siyang makapagsimula muli.

Sa pagdilat ng kanyang mga mata, literal na bagong mundo ang napasok niya. Kakaiba ang mga kasama niya at maging ang mga gawi nila. Hindi lubos na maisip ni Hiraya kung paano siya napunta rito, paano niya pa kaya tatanggapin ang propesiyang nakatakda para sa kanya?

Lahat ay may kanya-kanyang nakaraan na pilit na tinatakpan maging hanggang sa kasalukuyan. Bawat tao ay may sariling mga pintong binubuksan. Ngunit makakayanan niya bang hanapin ang susi ng hinaharap kahit gaano pa ito kahirap?

A novelette by louvingly.
Todos os Direitos Reservados
Inscreva-se para adicionar Susi ng Hinaharap | ✓ à sua biblioteca e receber atualizações
ou
#6aliceinwonderland
Diretrizes de Conteúdo
Talvez você também goste
Banayad, de MoonhaloWP
7 capítulos Em andamento Maduro
"May tahimik na umaga na darating at marahan na dadampi sa puso mo. Ipapaalala na anuman ang bangungot na dala ng nakaraan, magpatuloy ka ngayon, sapagkat hawak ka ng isang umaga. Itatawid ka nito papunta sa hinaharap. May tahimik na umaga na darating at yayakapin ang puso mo." - paghealom Marahil malimit nating sabihin na kaybilis ng panahon. Sa isang iglap, ang kasalukuyan mo'y isa nang nakaraan. Sa isang iglap din lamang, ang hinaharap ay kasalukuyan mo na. Sa nagmamadaling mundo, ang pagiging banayad ay tila isang kalabisan lamang. Ngunit sa lahat, ito na yata ang pinakamasarap na pakiramdam. Ang pagiging marahan. Ngunit sa mundong kinalakihan ni Malaya, ang buhay ay tila isang rumaragasang ilog. Ang isang pagpikit ay dadalhin ka sa hinaharap. At sa oras na maging marahan ka ay mas lalo kang masasaktan. Para kay Malaya, ang banayad na umaga ay isang bangungot; isang madilim na panaginip. Kung kaya't mas pipiliin niyang pumikit at palampasin ang araw, at hayaan itong maging parte ng kaniyang nakaraan. Subalit sa kabila ng matigas niyang paniniwala, hindi niya inaasahan ang pagdating ng isang tahimik na umaga, marahan at mahinahon, at isang umagang hindi siya kayang saktan. Si Amiel. Sa isang payapang dalampasigan na rinig ang paghalik ng mga alon sa puting buhangin, makararanas nga kaya si Malaya ng isang umagang hindi niya kasusuklaman? Matututunan niya rin kayang mahalin ang pagiging marahan? Sa mabilis na pag-ikot ng mundo, gaano katamis ang maranasan ang isang banayad na pag-ibig?
"Panaginip"[Completed], de Danlans
44 capítulos Concluído Maduro
Alam mo bang ang buhay ng tao ay parang gulong na umiikot-ikot? Iyong tipong, mula sa ilalim ay napunta sa itaas. At mula sa itaas ay muling umilalim. At mula ulit sa ilalim ay pwede uling umibabaw! Iyong masasabi mong tila pinaglalaruan ka ng tadhana. Ganyan ang buhay ni Melanie Piamonte. Mula sa pagdurusa ay lalong napunta sa mas matinding pagdurusa. Mula naman sa pagdurusa, ay biglang guminhawa!Tila isang panaginip na biglang nagbabago ng scene sa isang iglap. Sama-sama po nating tunghayan ang buhay ng aking bida. Sabay-sabay tayong mamangha kung papaanong nalampasan niyang lahat nang paghihirap sa kanyang buhay. Samahan ninyo akong kiligin sa mga cheesy lines ng aking mga bida. At pare-pareho nating isabuhay ang mga aral sa buhay na naglipana sa loob ng aking kwento. At tiyak na masasabi mo talagang, Ang buhay ng tao ay may iba't ibang mukha. Totoong ang bawat nilalang na ginawa ng Mahal na Panginoon ay may kanya- kanya ng kapalaran bago pa iluwal sa mundo. At ito masdan mo... ang aking kwento! Bangungot! Panaginip! Realidad! Ang buhay ng aking bida na nagsimula sa isang bangungot. Na naging tila isang magandang panaginip na biglang naging tunay na buhay. ------------- Aral: --Hindi masamang mangarap lalo na kung alam mong bukas-mata mong natatanaw ang hinaharap. --Hindi masamang lumipad lalo na kung alam mong abot ng iyong pakpak. --Kapag ang isang bagay ay hindi para sa iyo, malamang para sa iba iyan! --At kasabihang kapag hindi ukol ay walang.....bukol.! --At kapag ikaw ay nagising sa isang magandang panaginip... Huwag mo nang piliting ulitin at baka ikaw ay bangungutin. Just saying... WP-DANLANS MATURE CONTENT COMPLETED COVER DESIGN:KIDDOGRAPHICS
Talvez você também goste
Slide 1 of 8
Banayad cover
"Panaginip"[Completed] cover
Binayaan: Hagupit ng Ganti  cover
Aetheria's Enigma cover
Matakot Ka! ( Book 4 ) cover
BEDTIME STORIES Vol. 1 (Ang Koleksyon ng mga Maiksing Kuwentong Katatakutan) cover
Home is Where the Heart Is (UNEDITED & COMPLETE) cover
Away With You (Escape To Magallon #1) cover

Banayad