C O M P L E T E D Life sucks really hard. Iyon ang paulit-ulit na itinatak ni Sky sa isip niya nang malamang may sakit siya. Sinubukan niyang ilihim ang sakit niya mula sa kanyang pamilya at ibang kaibigan. Crushed by her cruel fate, nahirapan siyang tanggapin ang kapalaran niya. Pero hindi iyon naging hadlang upang magawa niya ang mga bagay na gusto niyang gawin, bago pa man siya mawala sa mundo. Hanggang sa nakilala niya si Kliev, ang SSG President ng Vista Alegre University. Humanga na agad siya sa binata pero mas pinili niyang balewalain iyon dahil hindi puwede. Ayaw niyang ma-attached sa ibang tao dahil mamamatay rin naman siya. Doon niya napagtanto na hindi na kamatayan ang kinakatakutan niya, kundi ang iwanan ang mga mahal niya sa buhay. Will she find courage to reveal her secret, or she'll continue hiding behind a mask of being a strong sweet girl?
More details